Ipinagdiriwang kahapon ng Lungsod ng Maynila ang ika-451 taong anibersaryong pagkakatatag nito.
Ayon sa website ng Manila Government, ang NILAD Festival 2022 ang magiging highlight sa pagdiriwang ngayong ton.
Iba’t ibang aktibidad ang nakahanay bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang kabilang ang float parade, street dancing, sports fest, job fair, at mga awarding ceremonies.
Naging parte ng pagdiriwang ang inihandog noong Mega Job Fair sa Maynila na naganap sa Arroceros Forest Park sa Ermita noong Hunyo a-20.
Maliban sa pagdiriwang, pinasinayaan din nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Mayor-elect Honey Lacuna ang bagong Ospital ng Maynila.