Ginunita ng Liberal Democratic Caucus ang ika-47 anibersaryo ng Plaza Miranda bombing.
Dumating ang grupo sa Plaza Miranda sa Quiapo Maynila na nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt at may dalang bandila kung saan nakasulat ang mga katagang Defend Democracy.
Inawit ng grupo ang pambansang awit at nag-alay ng mga dilaw na bulaklak sa marker bilang pag-alala sa insidente.
Matatandaan na siyam katao ang nasawi samantalang mahigit sa 90 iba pa ang nasugatan nang may maghagis ng dalawang granada sa stage kung saan iprinoproklama ang mga senatorial candidates ng Liberal Party noong August 21, 1971.
Sa Plaza Miranda bombing nabulag ang isang mata ng yumaong dating Senador Jovito Salonga at ikinabingi rin ng isa niyang tenga.
Dalawang linggo namang comatose noon si Councilor Ambrosio King Lorenzo Jr. at nabulag rin ang kaliwang mata at nabingi ang kaliwang tenga.
Samantala, pinutol naman ang kaliwang paa ang noo’y mayoralty candidate ng LP na si Ramon Bagatsing.
—-