Iuuwi na sa Linggo sa Pilipinas ang ikalimang batch ng mga labi ng mga Overseas Filipino Workers (OFW)’s na nasawi sa Saudi Arabia (KSA).
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, inaasikaso na ang mga dokumento para sa mass repatriation ng mga labi na kauna-unahan sa kasaysayan ng bansa.
Bagama’t walang ibinigay na eksaktong bilang ang OWWA, binanggit ni Cacdac na mahigit 200 labi na ng mga kababayan natin na pumanaw sa Saudi ang napauwi nila sa Pilipinas.