Epektibo na ngayong araw ang ika-5 linggong tapyas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa anunsiyo ng kumpaniyang Shell, Cleanfuel, Seaoil, Petro Gazz, Jetti Philippines, PTT Philippines at Caltex, nasa .40 centavos ang magiging rollback sa kada litro ng gasolina; .45 centavos ang magiging bawas-presyo sa kada litro ng diesel; habang .85 centavos naman ang tapyas-presyo sa kada litro ng kerosene.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, ang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng mas mataas na halaga ng krudo at premium na gastos sa transportasyon.
Sa pahayag ng Department of Energy (DOE), nang magsimula ang taong 2022, ang price adjustment sa gasolina ay umabot na sa P14.00 ang kada litro; P28.00 naman sa kada litro ng diesel; at P23.00 naman sa kada litro ng kerosene.