Asahan na bukas ang ika-5 sunod na linggong bawas singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, maglalaro sa P1.00 hanggang P1. 20 centavos ang magiging bawas singil sa kada litro ng diesel; habang magpapatupad naman ng .50 centavos hanggang .70 centavos sa kada litro ng gasolina.
Inaasahan naman na posible pang magbago ang presyo ng langis sa bansa depende sa paggalaw ng kalakalan sa pagitan ng mga bumibili at nagbebenta ng mga produktong petrolyo.
Sa datos ng Department of Energy (DOE) nito lamang Hulyo a-26 hanggang a-28, ang year-to-date adjustment sa kada litro ng gasolina ay pumalo na sa P67. 40 centavos hanggang P77. 81 centavos habang P74. 5 centavos hanggang P77. 75 centavos naman ang kada litro ng diesel.