Asahan na bukas, Martes ang ika-limang sunod na bugso ng taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Una nang nag abiso ang kumpaniyang UniOil, kung saan, maglalaro sa 70¢ hanggang 80¢ ang taas singil sa presyo ng kada litro ng Diesel at Gasolina.
Matatandaang noong Martes, January 25, naganap ang ika-4 na taas-singil sa presyo ng langis sa merkado.
Samantala, maglalaro naman sa 90$ ang kada barrel ng krudo sa unang pagkakataon sa loob ng 7 taon dahil sa masikip o nagkukulang na suplay maging sa lumalaking tensyon sa pulitika sa pagitan ng Russia at Ukraine. —sa panulat ni Angelica Doctolero