Nagsagawa ng Groundbreaking ceremony ang Department of Human settlements and Urban Development (DHSUD) at lokal na pamahalaan ng Marikina para sa pagtatayo ng isang housing project sa lungsod.
Pinangunahan nina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro at DHSUD secretary Jose Acuzar ang seremonya hudyat ng pagsisimula ng pagtatayo ng Bagong Sibol Housing Project sa Brgy. Nangka.
Ayon kay Acuzar, patatayuan ito ng eskwelahan, maliit na ospital, palengke at livelihood program.
Giit pa ni Acuzar, ang proyektong ito ay bahagi ng programa ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na anim na milyong bahay sa ilalim ng pambansang pabahay para sa Pilipino Program.
Samantala, kasalukuyan ng nakikipag-ugnayan sa iba pang lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad ng programa. —sa panulat ni Jenn Patrolla