Lumutang na sa pulisya ang isa sa mga pulis na nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa isang online seller sa Nueva Ecija.
Ayon kay Police Regional Office II Director Police Brigader General Val De Leon, sumuko si Police Staff Sergeant Rowen Martin sa kanya mismong mother unit sa Cabanatuan City Police Station kahapon ng tanghali.
Kasama ng pulis sa kanyang pagsuko ang abogado nito at isanauli na rin ang kanyang service firearm.
Kahapon, sumuko na rin si Police Staff Sergeant Drextimir Esmundo na isa rin na nasa likod ng malagim na pagpatay.
Sa ngayon, si Franklin Macapagal na lamang na kinatagpo ni ng biktima nang mangyari ang pagdukot ang tinutugis ng pulisya.—sa panulat ni Rex Espiritu mula sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)