Napasakamay ni World Number One Novak Djokovic ang ika-labing limang grand slam title.
Ito ay matapos tanghaling kampeon si Djokovic sa ika-pitong Australian Open title nang ilampaso si Rafael Nadal.
Nakuha ng Serbian tennis star ang score na 6-3, 6-2, 6-3 para tuluyang talunin ang Spanish tennis star.
Dahil sa nasabing panalo, si Djokovic ay itinuturing na may pinakamaraming Australian Open na sa kabuuan ay nasa pito na.
—-