Asahan na bukas, martes ang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa kumpaniyang UniOil Philipines, maglalaro sa P1.00 hanggang P1.10 centavos ang kada litro ng diesel; P1.10 centavos hanggang P1.20 centavos ang kada litro ng gasolina habang 60 centavos hanggang 70 centavos naman sa kada litro ng kerosene.
Nabatid na ang ika-7 taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo ay dahilan ng nakaambang invasion ng Russia sa Ukraine.
Sa ngayon ang year-to-date adjustments stand ay nasa kabuuang P6.75 centavos sa kada litro ng gasolina; P9.15 centavos para sa kada litro ng diesel at P8.45 centavos naman ang kada litro ng kerosene. —sa panulat ni Angelica Doctolero