Inaasahang matutuloy na ngayong katapusan ng linggo ang muling pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte matapos maudlot ang kanyang nakatakda sanang pagbisita sa Marawi para pangunahan ang pagbibigay ng limangdaang (500) pansamantalang tirahan ng mga pamilyang naapektuhan ng limang (5) buwang digmaan.
Kinansela ang pagbiyahe ng Pangulo sa Marawi dahil sa masamang panahon noong Miyerkules.
Nais ng Pangulo na bago sumapit ang pagsalubong ng Bagong Taon ay maipamahagi na sa mga pamilyang naapektuhan ng Marawi Seige ang mga temporary shelter.
Magugunitang limampung (50) temporary shelters ang una nang naipamahagi ng Pangulo noong Oktubre na nakatirik sa 1.2 ektaryang lupain sa Barangay Bito Buadi Itowa sa nasabing lungsod.
Kung sakali, ito na ang ika – 7 beses na bumisita ang Punong Ehekutibo sa Marawi mula nang sumiklab ang gulo sa pagitan ng militar at ng teroristang Maute noong Mayo ng kasalukuyang taon.