Nakapagtala ng panibagong record sa NBA ang Golden State Warriors.
Ito ay makaraang masungkit ng Warriors ang ika-73 nilang panalo ngayong season matapos talunin ang Memphis Grizzlies sa iskor na 125-104.
Naungusan na ng Warriors ang record ng Chicago Bulls noong 1995-1996 season na may 72 panalo sa isang regular season.
Nanguna sa naturang tagumpay ng warriors si reigning MVP Stephen Curry na kumana ng 46 na puntos.
By Ralph Obina