Tahimik na ginunita ng pamilya Aquino ang ika-walong anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Isang misa ang isinagawa sa puntod ng mag-asawang Cory at dating Senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City.
Kabilang sa mga dumalo ang magkakapatid na Balsey, Pinky, Viel, Kris at si dating Pangulong Noynoy Aquino kasama ang mga kaibigan at kaalyado sa pulitika.
Dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina dating Education Secretary Bro. Armin Luistro, dating Social Welfare Secretary Dinky Soliman at iba pa.
Magugunitang sa araw na ito noong taong 2009 nang pumanaw si Ginang Aquino sa edad na 76 matapos ang pakikibaka nito sa sakit na colon cancer.