Kinumpirma ng pamahalaan ng San Juan ang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.
Ito’y matapos mapasama sa mga nadagdag na kumpirmadong kaso ng COVID-19 kahapon, Marso 11, ang isang 57-year-old na lalaking residente ng Barangay Greenhills.
Ayon sa ipinalabas na public advisory ng City Government ng San Juan, unang nakaranas ng ubo at sipon ang lalaki at nagpakonsulta ito sa isang private hospital.
BREAKING: Isang residente ng San Juan City, kabilang sa mga bagong kaso ng COVID-19, ayon kay Mayor Francis Zamora. | via Mayor Francis Zamora Facebook Post pic.twitter.com/caYKhHgAIW
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 12, 2020
Agad siyang inilipat sa isang tertiary hospital sa Metro Manila matapos na mag positibo sa test ng COVID-19.
Dagdag pa ng LGU, sa kasalukuyan ay nasa stable na kondisyon ang lalaki.
Ito na ang ika-8 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Juan.
Pinaalalahanan naman ni San Juan Mayor Francis Zamora ang mga residente ng lungsod na laging mag disinfect sa pamamagitan ng paghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, maging ang paggamit ng alcohol.