Kailangan nanamang maghanda ng mga motorista dahil asahan na bukas, Martes ang ika-walong taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa kumpaniyang UniOil Petroleum Philippines, tatagal hanggang katapusan ng Pebrero ang taas singil sa langis kung saan, maglalaro sa 60 centavos hanggang 70 centavos ang singil sa kada litro ng Diesel.
Tumaas naman sa 80 centavos hanggang 90 centavos ang kada litro ng Gasolina.
Sa abiso naman ng kumpaniyang Chevron Philippines o Caltex, Flying V, Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp., at SeaOil Philippines, maglalaro sa P1.20 centavos ang dagdag singil sa kada litro ng Gasolina; P1.05 centavos naman sa kada litro ng Diesel at 65 centavos naman ang kada litro ng Kerosene.
Ang kumpaniyang CleanFuel, Petro Gazz, at UniOil Petroleum Philippines naman ay nagpatupad ng parehong adjustments maliban lang sa Kerosene.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang net increase ng year-to-date adjustments ay nasa kabuuang P7.95 centavos sa kada litro ng Gasolina at P10.20 centavos naman sa kada litro ng Diesel.
Sa Pump Prices naman, tumaas ng P17.65 centavos ang kada litro ng Gasolina at P14.30 centavos naman sa kada litro ng Diesel noong 2021. —sa panulat ni Angelica Doctolero