Ipinagdiriwang ngayong araw na ito ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang ika-80 anibersaryo.
Pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang naturang event bilang commander-in-chief.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo sa anibersaryo ng AFP ang ilang opisyal at staff ng Department of National Defense, AFP Major Services Commanders, AFP Joint Staff, PNP at PCG Officers, dating Presidente ng Pilipinas, mga miyembro ng gabinete at diplomatic corps, veterans, reservists, retirees at iba pang imibitadong guests.
Ang 80th anniversary ng AFP ay gaganapin sa Clark Air Base sa Pampanga.
By Meann Tanbio