Ginugunita ngayong araw ang ika-9 na anibersaryo ng paghagupit ng bagyong Yolanda sa Pilipinas.
Tumama ang nasabing bagyo sa Guiuan, Eastern Samar noong ika-8 ng Nobyembre taong 2013 na umabot sa super typhoon category.
Matatandaang sa nasabing kalamidad, hihigit sa 6,000 katao ang nasawi na nakaapekto sa nasa 16 na milyong indibidwal.
Isa ang super tyhpoon Yolanda sa pinakamalakas na bagyong tumama sa ating bansa na umaabot sa 300 kilometers per hour ang lakas ng hangin.