Muling ipatutupad ang ika-9 na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa UniOil Petroleum Philippines, maaaring tumaas ng P1.10 centimo hanggang P1.20 centimo ang presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang maglalaro naman sa P0.40 centimo hanggang P0.50 centimo ang inaasahang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.
Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes, Oktubre 19, ay una nang nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng P1.80 centimong dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at P1.50 centimo sa diesel habang P1.30 centimo naman ang dagdag-singil sa kerosene.
Sa ngayon, ang kada year-to-date sa produkto ng langis ay may total net increase na P19.65 centimo sa kada litro ng gasolina, P18 sa kada litro ng diesel, at P15.49 centimo naman sa kada litro ng kerosene.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, posible pang tumaas ang presyo ng langis dahil sa patuloy na paninigil ng Excise Tax at VAT na ipinatutupad ng Pamahalaan. —sa panulat ni Angelica Doctolero