Nagbabadya muli ang dagdag-presyo sa mga produktong ngayong Linggo.
Gayunman, nilinaw ng mga Oil Industry Sources na hindi na magiging malaki ang price increase na posibleng hindi abutin ng piso kada litro.
Sa oras na ilarga sa Martes, ito na ang magiging ika-siyam na sunod na linggong magpapatupad ng dagdag-presyo sa oil products.
Bunsod pa rin ito ng walang patid na pagtaas ng presyo sa international market at lumalaking demand habang papalapit ang taglamig sa North America, Europe at ibang panig ng Asya.
Samantala, nanawagan naman ang grupong laban konsyumer kay Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin na ang deklarasyon ng State of Calamity dahil sa COVID-19 pandemic para ipatigil muna ang paniningil ng Excise Tax at VAT sa langis. —sa panulat ni Drew Nacino