Personal na sinaksihan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang pagbubukas ng ika-96 na malasakit center sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.
Mababatid na ang VMMC ang ika-7 sa lungsod ang nilagyan ng malasakit center, habang ang iba pa ay ang East Avenue Medical Center, Lung Center Of The Philippines, Philippine Heart Center at iba pa.
Sa ginawang talumpati ni Go, ipinaalala nito sa publiko na mahaba-haba pa ang pakikipaglaban sa nakamamatay na virus.
Kung kaya’t, ngayong kapaskuhan ang pinakamaganda aniyang regalo para sa bawat-isa ay ang pagkakaroon ng maayos at malusog na pangangatawan.
Sa huli, muling pinasalamatan ni Senador Go ang lahat ng mga medical frontliners, para sa kanilang serbisyo at walang sawang sakripisyo kontra COVID-19.