Ipinagdiriwang ngayong araw ng Ilocandia partikular na ng Ilocos Norte ang ika-Siyamnaput Siyam na kaarawan ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos
Nakatakdang magtipun-tipon ngayong araw ang mga loyalista ng dating Pangulo gayundin ang ilang foreign media para magmasid sa gagawing pagdiriwang
Isasagawa ang ilang mga aktibidad sa mga bayan ng Batac gayundin sa bayan ng Sarrat kung saan namulat at nagsimula ang dating Pangulo
Kasunod nito, doble higpit na ang ipinatutupad na seguridad ng pulisya sa buong lalawigan partikular na sa Marcos Museum kung saan nakalagak ang labi ni Marcos
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, tuloy pa rin ang pagdiriwang sa kabila ng pagpapalawig ng status quo ante order ng Korte Suprema para maihimlay ang labi ng yumaong dating Pangulo sa libingan ng mga bayani
By: Jaymark Dagala