Ginugunita ng mga survivor ng bagyong Senyang ang ika-apat na anibersaryo nang pananalasa nito.
Bagamat bukas pa ang talagang paggunita, sinabi ni Roger Balanon, Urban Poor Federation President at Sendong survivor na gagawin na ngayong araw na ito ang misa sa Sitio Cala-Cala, barangay Macansadig na isa sa pinakamatinding hinagupit ng bagyong Senyang.
Kaugnay nito, muling hinamon ng grupo ni Balanon ang Cagayan de Oro City Council na ipasa na ang absolute deed of sale para mabili na ang lupaing matitirhan ng ilang survivors.
Nasa 722 pamilya pa rin aniya ang nananatiling walang sariling bahay at nakatira lamang sa temporary shelters sa barangay Lumbia sa siyudad.
By Judith Larino