Malalaking pangalan ang naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) para sa ika-apat na araw ng filing ng mga nagnanais kumandidato para sa 2019 midterm elections.
Buena manong naghain ng kanyang COC si dating Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Mar Roxas na maagang nagtungo ng punong tanggapan ng Comelec.
Si Roxas ay bahagi ng senatorial slate ng Liberal Party.
First filer for Day 4 of Filing of COC for Senator in the #NLE2019 is Manuel “Mar” Roxas, running under the Liberal Party. pic.twitter.com/FIYUOBmd3k
— COMELEC (@COMELEC) October 16, 2018
Matatandaang 2016 nang tumakbo sa pagka-Pangulo si Roxas ngunit natalo kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagbisikleta naman mula Luneta si Taguig City Representative Pia Cayetano patungong Comelec main office para maghain ng kanyang COC sa pagka-senador. Ayon kay Cayetano, simboliko ang kanyang pamimiskleta dahil dito aniya sa Luneta na itinakdang kilometer zero magsisimula ang lahat upang maabot niya ng serbisyo ang mga kababayan nating nasa iba’t ibang panig ng bansa.
Taguig City District Representative Pia S. Cayetano files her COC for Senator in the #NLE2019. She is running under the Nacionalista Party. pic.twitter.com/MqweGQFMVU — COMELEC (@COMELEC) October 16, 2018
Sinabi ni Cayetano na kanyang ipagpapatuloy ang mga isinulong niya noon sa Senado kabilang ang mga repormang pangkalusugan, edukasyon, pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan at kabataan, kalikasan at iba pa.
Samantala, mga naka-toga ang mga tagasuporta ng re-eleksyonistang si Senador Bam Aquino bilang ito ang may-akda ng free college education law.
Ayon kay Aquino, batid niyang magiging mahigpit at mahirap ang laban lalo’t hindi siya bahagi ngayon ng administrasyon.
Senator Bam Aquino files his COC for Senator in the #NLE2019. He is running under the Liberal Party. pic.twitter.com/n2qUXR0B4G
— COMELEC (@COMELEC) October 16, 2018
Naging mainit naman ang pagsalubong ng mga tagasuporta ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos nang magtungo ito sa Comelec para maghain ng kanyang COC para rin sa pagka-senador.
Nakasuot ang mga ito ng pulang habang sumisigaw ng ‘Marcos pa rin’.
Kasama ni Governor Imee sa paghahain ng kanyan g COC ang kanyang inang si Ilocos Norte Representative Imelda Marcos, kapatid na si dating Senador Bongbong Marcos at iba pang kaanak.
Ilocos Norte Governor Imee Marcos files her COC for Senator in the #NLE2019 running under the Nacionalista Party. She is accompanied by former Senator Bongbong Marcos and her three sons. pic.twitter.com/X197pNdTi1
— COMELEC (@COMELEC) October 16, 2018
—-