Gumulong na ang ika-apat na diyalogo sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas at Japan kaugnay sa Build, Build, Build program.
Ang pulong para sa Philippines Japan High Level Committee on Infrastructure and Economic Cooperation ay pinangungunahan nina Finance Secretary Carlos Dominguez at Dr. Hiroto Izumi, Special Adviser to Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Inaasahang ang paglagda ng mga naturang opisyal sa record of discussions at iba pang dokumentong may kinalaman sa kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa imprastruktura.
Una nang lumagda ang Pilipinas sa 15. 93 billion yen loan agreement kasama ang Japan International Cooperation Agency o JICA para sa flood control project sa lalawigan ng Cavite.
—-