Nakapagtala na ng ika-4 na kaso ng monkeypox virus sa bansa.
Kinumpirma ng Department of Health na isang 25-anyos na Filipino ang naka-isolate pero walang travel history sa anumang bansa na may mga kaso ng monkeypox.
Napag-alamang positibo sa naturang virus ang Pinoy matapos ang Real Time Polymerase Chain Reaction (PCR) test ng DOH Research Institute for Tropical Medicine at inilabas ang resulta noong August 19.
Nagpapatuloy ang Intensive Case Investigation at Contact Tracing at sa ngayon ay mayroon ng 14 na close contact ang natukoy.
Nilinaw naman ni DOH Officer-In-Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi magkakaugnay ang apat na kaso ng monkeypox sa bansa.