Nakarekober na mula sa ospital ang ika-apat na pasyenteng tinamaan ng monkeypox virus sa Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na walang nakitang karagdagang sintomas at wala ring travel history sa anumang bansa ang 25-anyos na Pilipino.
Sa naging pahayag ng World Health Organization (WHO), ang monkeypox virus ay naililipat mula sa isang tao patungo sa isa pang indibidwal sa pamamagitan ng malapit na kontak sa mga sugat, likido sa katawan, respiratory droplets at mga kontaminadong materyales.
Bukod pa dito, maaari ring humantong sa medikal na komplikasyon ang mga nakararanas ng lagnat, pantal at namamagang mga lymph node o kulani sakaling ito ay mapabayaan.