Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang ika-apat na kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, ang bagong kaso ay isang 38-anyos na babae mula Estados Unidos na dumating sa bansa noong December 10 sakay ng Philippine Airlines PR127.
December 13 ang makitaan ito ng mga sintomas ng sakit gaya nang pangangati ng lalamunan at sipon.
Nagpositibo sa COVID-19 ang pasyente noong December 15 at inilipat sa isolation facility.
Nitong December 24 nang makalabas sa naturang pasilidad ang babae, asymptomatic na rin ito at walang sintomas ng sakit.
Kasalukuyang naka-home isolation ang naturang pasyente at nakatakdang sumailalim muli sa test sa Martes.
Ang naturang kaso ay mula sa 46 na samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center (PGC) kung saan natukoy rin ang karagdagang 38 Delta variant cases.