Naghahanda na ang Philippine Army para sa paggunita ng ika-limang anibersaryo ng Marawi liberation.
Ayon kay Philippine Army Assistant Chief of Staff for personnel G1 Col. Ramon Flores, inilalatag na nila ang ilang mga aktibidad bilang pag-alala sa kabayanihang ipinakita ng mga sundalong isinugal ang kanilang mga buhay para makamit ang kapayapaan ay kalayaan sa Marawi.
Sinabi ni Flores, na magsasagawa sila ng exhibit ng Marawi memorabilia kung saan, makikita ang mga gamit na narekober ng mga sundalo sa mismong encounter site sa Philippine Army Officers’ Clubhouse Pavilion na kanilang bubuksan sa publiko.
Sa darating naman na October 17, magkakaroon ng wreath-laying ceremony sa Marawi Pylon, libingan ng mga bayani, at sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Iginiit ni Flores na ang mga sundalong sumabak sa Marawi siege noong may 2017 laban sa mga teroristang grupo na Maute ISIS at Abu Sayyaf ang siyang nagbigay ng crucial role o mahalagang papel sa Marawi liberation.