Isinampa ngayong araw ni dating University of the East (UE) College of Law Dean Amado Valdez ang ikalimang disqualification case laban kay Presidential aspirant Senadora Grace Poe.
Inihain ni Valdez ang disqualification case sa Commission on Elections (COMELEC) Law Department.
Kabilang din sa kinukwestyon ni Valdez ang certificate of candidacy ni Poe kung saan panghabambuhay na aniyang nawala sa senadora ang natural born status nito.
Una rito, nagsampa na rin ng disqualification case sina De La Salle University Political Science Professor Antonio Contreras, dating Justice Prosecutor Estrella Elamparo, dating Senador Francisco Tatad at Presidential aspirant Rizalito David.
By Ralph Obina