Isa pang lighthouse ang nakatakdang itayo ng China sa Spratly Islands sa West Philippine Sea.
Ito na ang ika-limang lighthouse na itatayo ng China sa Spratlys, isa sa mga pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.
Ang anunsyo ay ginawa ng Tsina, isang araw bago ilabas ang desisyon ng International Arbitral Tribunal sa reklamong inihain ng Pilipinas laban sa China.
Ayon sa China, nakakatulong sa navigation ng mga barkong dumadaan sa West Philippine Sea ang mga itinatayo nilang lighthouses.
By Len Aguirre