Nilinaw ng Commission on Elections o COMELEC na dry run pa lamang ang isasagawang pag-iimprenta ng balota para sa halalang pampanguluhan sa darating na Mayo.
Tinatayang nasa mahigit 55 milyong balota ang iimprenta sa National Printing Office o NPO ngayong araw.
Sa panayam ng DWIZ kay COMELEC Chairman Andy Bautista, tatlong canon printers ang gagamitin ng COMELEC sa NPO para sa pag-iimprenta ng mga balota.
Nakalaan aniya ang mga balota sa may 50 milyong rehistradong botante sa bansa habang isang milyon naman ang nakalaan para sa overseas absentee voters.
Dagdag pa ni Bautista, ilan sa mga titingnan sa gagawing dry run ay kung paano paiiksiin ang balota.
By Jaymark Dagala