Nagbabadyang boykotin ng ibat ibang sektor ang ilalargang peace talks ng United Nations (UN) sa Syria ngayong linggo.
Katwiran ng mga opposition groups, nais muna nilang matiyak na ititigil ng Syria at maging ng Russian allies ang kanilang mga pag-atake.
Ito ang magiging kauna-unahang pulong pangkapayapaan sa loob ng dalawang taon na layong tuldukan na ang civil war sa Syria.
Dahil sa tumitinding kaguluhan sa Syria, aabot na sa mahigit 250,000 katao ang nasawi at naging dahilan ng paglikas ng mahigit 10 milyong residente.
By Ralph Obina