Pormal nang pinasinayaan ng gobyerno ng China ang kanilang ikalawang aircraft carrier na pinangalanan nilang “Shandong”.
Ipinagmalaki ng China na ito ay ang kauna-unahang carrier na gawa sa kanilang bansa.
Inilunsad ang naturang aircraft carrier sa gitna ng namamayaning tensyon sa pagitan ng Amerika at North Korea.
Matatandaang ang unang aircraft carrier ng China na “Liaoning” kinomisyon ng Chinese People’s Liberation Army noong 2012 na refitted sa isang Soviet Union made carrier.
By Ralph Obina