Nakatakdang gunitain ng Yolanda survivors ang ikalawang anibersaryo nang paghagupit ng super typhoon Yolanda.
Magsisindi ng 50,000 kandila ang Yolanda survivors sa pangunguna ng Simbahang Katoliko at One Tacloban Team bilang paggunita sa insidente sa November 8.
Kaugnay nito, nanawagan ang Simbahang Katoliko sa publiko na makiisa sa naturang memorial event bilang pagbibigay na rin ng respeto at dasal sa mga kinukunsiderang bayani rin noong kasagsagan ng bagyong Yolanda.
Samantala, maliban sa Yolanda candlelight memorial, bubuksan na rin sa publiko ang Yolanda Memorial Park kung saan ginawang parke ang barkong napadpad na kumitil din ng maraming buhay sa Barangay Anibong sa Tacloban City.
By Judith Larino