Ginunita ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City at mga residente ang ikalawang anibersaryo ng Zamboanga siege.
Ilang serye ng aktibidad ang inihanda ng lokal na pamahalaan bilang pagkilala sa mga nasawi at nagtanggol sa lungsod.
Nagsama-sama ang ilang survivor, sundalo at lokal na opisyal sa isang misa na isinagawa sa barangay Santa Catalina, na isa sa mga pinaka-naapektuhan.
Matatandaang September 9, 2013 nang maglunsad ng mapayapang martsa ang mga miyembro ng MNLF-Misuari Faction na nauwi sa pakikipagbakbakan sa militar na tumagal naman ng halos tatlong linggo at nagresulta sa pagkasawi ng mahigit 200 katao.
By Drew Nacino