Daan-daang residente ng Barangay Batasan Hills sa Quezon City ang nagpalipas ng gabi sa Batasan High School para makakuha ng ayuda.
Inaasahang 2,000 beneficiary ang nakatakdang mabigyan ng unang batch ng ayuda.
Ayon sa mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), alas-11 ng umaga kahapon nang simulan nila ang verification process ng mga tatanggap ng ayuda subalit alas-4 na ng hapon nang gumulong ang mismong pay-out dahil kinailangan pa nilang iimprenta ang lahat ng payroll ng beneficiaries.
Muling ipinaalala sa mga taga-barangay na tanging ang nasa master list lamang ng second batch ang dapat na pumila para sa ikalawang araw nang pamimigay ng ayuda.
Narito ang listahan ng mga barangay para sa SAP 2021 Distribution payout bukas, April 8.
Sa susunod na mga araw ay…
Posted by Quezon City Government on Wednesday, 7 April 2021
Naka-post sa official page ng DSWD na gagawin sa Quezon City University ang pamamahagi ng ayuda sa ikalawang batch ngayong araw na ito simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.