Ipinalabas na ng Department of Justice (DOJ) ang ikalawang bahagi nito ng Mamasapano report.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, walang maaaring makasuhan sa mga taong responsible sa pagkamatay ng 9 na miyembro ng 84th seaborne commandos sa Barangay Pidsandawan.
Paliwanag ni de Lima, malinaw na mayroong naging krimen ngunit ang problema aniya ay walang makapagturo o makatukoy sa pagkakakilanlan ng mga pumatay.
Samantala, nilinaw ni de Lima na walang kasong kriminal ang maaaring maisampa laban kay PO2 Christopher Lalan na inaakusahang pumatay sa mga sibilyan at MILF members sa Mamasapano.
Binigyang diin ni de Lima na walang makapagturong saksi o makapaghain ng ebidensyang si Lalan nga ang pumatay sa mga sibilyan.
Matatandaang sa lalan ang natatanging nakaliktas mula sa 55th Special Action Company.
By Ralph Obina