Nai-turn over na ng DPWH o Department of Public Works and Highways sa ARMM ang ikalawang batch ng mga donasyon para sa mga bakwit mula sa Marawi City.
Ayon kay DPWH Undersecretary Emil Sadain, umaabot sa 450 sako ng bigas, siyamnapung (90) kahon ng mga delata at 96 na kahon ng kape ang ibinigay kina ARMM Executive Secretary Liasa Alamia at DPWH-ARMM Secretary Don Loong sa Cotabato City.
Ang mga nasabing relief goods ay mula sa boluntaryong kontribusyon ng lahat ng kawani ng DPWH sa pangunguna ni Secretary Mark Villar na umabot sa mahigit apat na milyong piso (P4-M).
Matatandaang, mahigit sa tatlong libo’t limang daang (3,500) indibidwal mula sa Marawi City ang nabiyayaan sa unang batch ng ipinamahaging relief goods ng DPWH.
By Krista De Dios | With Report from Aya Yupangco