Nakauwi na ang ikalawang batch ng mga Filipino mula Ukraine.
Pasado alas-10 kagabi nang dumating sa NAIA Terminal 3 ang 13 filipino lulan ng Emirates flight EK-2023 mula Chopin Airport, sa Warsaw, Poland.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang ang mga repatriate sa 40 indibidwal na lumikas mula sa kabisera na Kyiv patungong Lviv sa gitna ng nagpapatuloy na paglusob ng Russia sa Ukraine.
Sa tulong ng Philippine Embassy sa Warsaw, tumawid ang mga nasabing Pinoy sa Polish Border.
Samantala, anim na Filipino pa ang nananatili sa Moldova, apat sa Romania at walo sa Hungary.