Ipapamahagi sa mga lalawigan ang ikalawang batch ng Pfizer vaccine na dumating nitong Hulyo 26.
Ayon kay health Undersecretary Ma. Carolina Vidal-Taino, maliban sa National Capital Region, Cebu, at Davao ay ipapamahagi din ito sa iba pang mga lugar na hindi pa nakakatanggap nito na may kakayahan na ngayong humawak ng mga bakuna.
Gayunman, hindi naman binanggit ng opisyal kung anong mga lugar ang bubuhusan ng Pfizer vaccines.
Ang 375,570 doses ng Pfizer ay bahagi ng 40 milyon doses na binili ng pamahalaan mula sa American pharmaceutical firm. -–sa panulat ni Hya Ludivico