Dumating na sa bansa ang karagdagang 15,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 ng Sputnik V.
Pasado alas-9 ng gabi ng Miyerkules nang dumating ang isang flight sa NAIA Terminal 3 lulan ang libu-libong doses ng bakunang gawa ng Gamaleya Research Institute ng Russia.
Mababatid na ayon sa Food and Drug Administration (FDA) na ang naturang mga Sputnik V COVID-19 vaccines ay kailangang ilagak sa storage facility na may temperaturang hindi hihigit ng negative 18 °C at pwedeng iturok sa mga indibidwal edad 18 anyos pataas.
Samantala, ito na ang ikalawang batch ng Sputnik V vaccines kontra COVID-19 na dumating sa bansa matapos na mai-deliver ang unang batch nito noong a-primero ng Mayo.