Nilagdaan ng Pilipinas at South Korea ang ikalawang bugso ng kasunduan sa ilalim ng Program Loan for Covid-19 Emergency Response Program (PLCERP).
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, $100 milyong ang ni-loan ng bansa upang mapalakas pa ang pagbabakuna laban sa covid-19.
Aniya, malaki ang maitutulong ng nasabing loan sa malawakang vaccination program ng gobyerno kasabay ng hangaring mapabangon ang ekonomiya sa 2022.
Matatandaang noong oktubre ng nakaraang taon ay ibinigay ng south korea ang unang bugso ng PLCERP na nagkakahalaga rin ng isang daang milyong dolyar. –Sa panulat ni Airiam Sancho