Magpapatuloy ang balasahan sa Kamara sa muling pagbubukas ng sesyon sa Mayo.
Ito ang siniguro ni House Speaker Pantaleon Alvarez kasunod ng rigodon na ipinatupad kamakailan sa mga commitee chairman na bumoto kontra sa death penalty bill.
Ayon kay Alvarez, susunod na sisibakin ay si Mindoro Occidental Representative Josephine Sato, miyembro ng Liberal Party at kabilang sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).
Bukod kay Sato, inaasahan na tatanggalan din ng committee positions sina Cebu Rep. Raul del Mar, Negros Occidental Rep. Jocelyn Limkaichong at Batangas Rep. Lianda Bolilia.
Ang mga nasabing mambabatas ay susunod sa naging kapalaran ni Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo na tinanggal bilang House Deputy Speaker gayundin ang labing isa (11) pang mga kongresista.
By Rianne Briones