Napasakamay na ng Pilipinas ang una sa dalawang C-130 H aircraft na binili mula sa Amerika na nagkakahalaga ng P1.6 bilyong.
Personal na tinanggap ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang nasabing eroplano sa inagurasyon nito sa 250th presidential airlift wing hangar sa Villamor Airbase.
Ayon kay Lorenzana, malaking tulong ang kasalukuyang fleet ng C-130 ng Philippine Air Force dahil gagamitin ito para sa paghahatid ng mga bakuna kontra COVID-19.
Bukod pa ito sa paghahatid ng mga kargamento na may kinalaman sa defense, internal security operations, disaster response at humanitarian missions.
Nagpasalamat naman si Lorenzana sa Estados Unidos sa tulong nito para makakuha ang Pilipinas ng dalawang C-130 H aircraft sa ilalim ng us security cooperation assistance program.