Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na sapat pa ang panahon ng gobyerno para maipamahagi ang ikalawang “dose” ng COVID-19 vaccines ng AstraZeneca bago ang expiration nito sa Mayo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang katotohanan ang mga kumalat na report na nagmamadali ang DOH sa pag-administer ng nasabing bakuna bago umano ito mawalan ng bisa.
Matatandaang nakakuha ang Pilipinas ng 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines at 600,000 doses naman mula sa Sinovac.
Sinabi rin ni Vergeire na walang ginawang bakuna sa ilalim ng “emergency use authority” sa buong mundo na may mahabang expiry date.