Pinasasampahan ng Ombudsman ng ikalawang kaso ng graft si dating Caloocan City Mayor Recom Echiverri.
Kaugnay ito sa mahigit P4 milyong pisong halaga ng konstruksyon ng barangay hall sa Barangay 154 noong 2011 at halos P5 milyong pisong improvement project sa isang lugar sa lungsod noong 2013.
Pinakakasuhan din ng graft sina dating City Accountant Edna Centeno at City Budget Officer Jesusa Garcia na kapwa pinasasampahan din ng kasong falsification of public documents.
Nabatid na itinuloy pa rin ni Echiverri ang mga nasabing proyekto sa kabila ng notice of disallowance na ipinalabas ng COA hinggil sa mga naturang proyekto noong 2013.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)