Naitala ang Department of Health (DOH) ang ikalawang pinaka mataas nitong daily cases mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic na siyang pinalala pa ng banta ng Delta variant.
Sa datos na inilabas ng DOH, umabot sa 20, 210 ang bagong kaso ng COVID-19 dahilan para sumirit sa 2,040,568 ang kabuuang kaso nito.
158,994 o 7.8% ang nananatiling aktibo sa COVID-19.
7,710 naman ang bagong naitalang gumaling sa virus dahilan para umakyat sa 1,847,701 ang bilang ng mga recoveries.
Samantala, sa kaparehong case bulletin ng DOH, nakapagtala rin ng 193 na bagong nasawi sa COVID-19 sa ating bansa kaya’t 33,873 na ang total death toll sa ating bansa bunsod ng COVID-19.