Muling tumanggap sa ikalawang pagkakataon si Vice President Leni Robredo ng honorary degree mula sa isang Unibersidad sa Bicol.
Ginawaran kahapon ng University of Saint Anthony sa Iriga City si Robredo ng Honorary Doctor of Humanities Degree na isinabay sa commencement exercises ng nasabing paaralan.
Inilarawan ng University of Saint Anthony si Robredo dahil sa pagiging isang civic leader, humanist, educator, at champion of human rights.
Ito na ang ikalawang honorary doctorate na iginawad kay Robredo, dahil nabigyan na siya ng honorary degree for public administration sa Polytechnic University of the Philippines noong 2015.
By Meann Tanbio
Ikalawang honorary degree tinanggap ni VP Robredo was last modified: April 20th, 2017 by DWIZ 882