Nilangaw o walang dumalo na resource person sa panibagong hearing ng Committee on Foreign Relations kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tanging dumating lang sa hearing si Attorney Alexis Medina mula sa academe at dalawang abogado ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Nagbiro si Senador Imee Marcos na kakanta at sasayaw na lang ni Senator Ronald Bato Dela Rosa dahil hindi sumipot ang mga imbitadong executive officials.
Inirekomenda naman Senador Dela Rosa na ipa-subpoena ang mga opisyal matapos tumangging dumalo sa pagdinig.
Una nang lumiham si Executive Secretary Lucas Bersamin kina senate president francis chiz escudero at Senador Marcos na hindi padadaluhin ang mga imbitadong executive officials.
Katwiran ni Bersamin na nasagot na ng mga opisyal ng gobyerno ang mga tanong hinggil sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)