Inendorso na ng 16 na kongresista ang ikalawang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ang ikalawang impeachment ay inihaing ni Volunteers Against Crime and Corruption Founding Chairman Dante Jimenez at Vanguard of the Philippine Constitution Incorporated President Eligio Mallari noong isang buwan.
Nangangahulugan ito na ang verified complaint ay maaari ng i-proseso at i-forward kay House Speaker Pantaleon Alvarez at refer sa justice committee upang mabatid kung may sustansya ito o sufficient in substance and form.
Ang Jimenez-Mallari complaint ay hiwalay sa verified impeachment complaint na inihain naman ni Atty. Larry Gadon na inendorso ng 25 mambabatas noong Agosto 30.
Kabilang sa mga nag-endorso sa impeachment sina Lanao del Sur 2nd dist. Rep. Mauyag Papandayan na nagsabing mas kapani-paniwala ang ikalawang impeachment sa unang complaint na inihain naman ni Gadon.
By: Drew Nacino
SMW: RPE